Lahat tayo may mga badtrip moments sa kanya kanya nating mga trabaho. Para sa mga masisipag na jeepney drivers, badtrip kapag na-flatan ka ng gulong habang nasa byahe. Para sa mga kaibigan nating mga construction workers, badtrip kapag masakit ang katawan.
Ito yung mga hindi maiiwasan kasi parte 'to ng trabaho natin.
Akala ng iba, walang badtrip moments sa pagiging call center agent. May iba iniisip na naka upo lang kami sa harap ng computer at salita ng salita habang nasa air-conditioned na opisina. Totoo naman yan! Pero ang isa pang totoo ay kasing hirap din ng trabaho namin ang iba. Bukod sa stress, toxic, at pressure, ang isa pa sa mga badtrip moments ay yung may makausap kang galit na customer. "Irate" caller ang tawag namin.
Pagkatapos mo sila kausapin, parang sinalo mo lahat ng galit at negative vibes ng buong mundo. Ang bigat sa pakiramdam. Pagod ka na kahit hindi pa tapos shift mo. Manginginig ka sa inis. Bad trip diba?
Pero as a professional, kelangan i-let go mo lahat ng hinakot mong malas na energy para masagot mo yung next call mo ng maayos. Pero paano? May iba nag-c-cr muna for break. Merong mag yo-yosi muna. O kaya magpapa-hangin sa labas. Yung iba ikini-kwento sa officemate para lang ma-release mo yung stress.
Syempre kelangan bumalik ka sa NEUTRAL state mo. Sounds familiar sa stock trading right?
Bilang stock market trader, parte ng ginagawa natin ang mga losses. Isa sa mga badtrip moments ay kapag may big loss ka. Nakakapang-hina diba? Nakaka-walang gana. Parang feeling mo galit sayo ang mundo. Ngunit kagaya ng kung paano natin pahalagahan ang ating mga trabaho, dapat ganoon din ang pagpapahalaga natin sa stock market trading.
Kapag may big loss ka, shaket it off! I-release mo yung emotions, yung inis, yung galit, yung malas. Ang paraan ko para mawala yung tension after a big loss ay naglalaro computer games. Nakaka-wala ng stress para sakin. Para lang mailipat ko yung attention ko sa ibang bagay na mapag-kukuhaan ko ulit ng good vibes.
Hindi mo naman syempre hahayaang maging loss ulit yung mga susunod na trades mo dahil lang sa previous bad trade mo diba? Kagaya ng hindi ko hinayaang maapektuhan yung mga next calls ko dahil lang may nakaka-asar akong nakausap kanina. Bumalik ako sa nuetral state ko bago ako tumanggap ng next call.
Dahil kapag nagpadala ka sa emotions mo, maubos ang port mo. Ang goal mo dapat ay sa next trade mo, nasa NEUTRAL state ka na.
Alam kong mahirap, pero kelangan i-approach mo siya professionally. Isipin mo na ang stock market trading ay trabaho. Trading is a profession. Ika nga ni Kap at Mesino, it's your own business, so you have to take it seriously.
Ikaw, how do you shake off your badtrip moments?
Friday, August 3, 2018
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
I Give Up Giving Up
Today marks ANOTHER "first step" in bettering my condition. For the 4th time in 7 years, sinalang nanaman ako sa M...

-
"Aangat yan, 'wag ka muna mag cut!" In trading, demons are bad behaviors or unwanted mannerisms that go against what is pla...
-
Nagpa-hype ako sa mobile version ng classic PC game na to, at may bago syang title, Ragnarok M: Eternal Love. Intro palang na backgroun...
-
Convo ng dalawang call center agents: Agent 1: "Gusto ko na mag resign. Nahihirapan na ko." Agent 2: "Sayang naman. Bakit ...
No comments:
Post a Comment