Thursday, August 23, 2018

What is Sunk Cost Fallacy?

Convo ng dalawang call center agents:

Agent 1: "Gusto ko na mag resign. Nahihirapan na ko."
Agent 2: "Sayang naman. Bakit hindi ka nalang mag-stay tutal ang tagal mo na dito."

Ayon sa website ng youarenotsosmart.com, ito daw ang ibig sabihin ng Sunk Cost Fallacy.

"Your decisions are tainted by the emotional investments you accumulate, and the more you invest in something the harder it becomes to abandon it."
"Kainin ko nalang 'tong hindi masarap na pagkain kasi nabili ko na eh!"

"Kahit na binu-bugbog nya ko, ayoko makipag-break sakanya. Kasi sa sobrang tagal na namin, minahal ko na siya."

Sounds family? Sa stock trading meron din nyan.

"-98% loss na ko sa stock na 'to, hindi ko nalang ika-cut kasi loss narin naman. Hintayin ko nalang umangat!"

Hindi motivation ang panghihinayang. Hindi dahil matagal mo nang hawak ang isang bagay ay hindi mo na 'to bibitawan. Kung hindi ka nag iimprove, kung hindi ka nag-go-grow, anong dahilan mo bakit ka nagse-stay?

Move! Grow! Huwag mong panghinayangan yung nawala na. Isipin mo kung gaano karaming opportunity ang maaaring dumating sa buhay mo kasi naglakas loob kang i-let go yung nagpapa-bigat at nag-pipigil sayo.

Wednesday, August 15, 2018

Demon Finder - Killing Your Inner Demon

"Aangat yan, 'wag ka muna mag cut!" 

In trading, demons are bad behaviors or unwanted mannerisms that go against what is planned. These impulsive actions normally comes out of nowhere possibly because you suddenly felt fear, laziness, or mere forgetfulness. 



Kumbaga 'eto yung mga struggles at pangit nating ugali na hirap na hirap tayong tanggalin. Kasi may mga time na bumabalik sila. "Tinamad bigla", "kinabahan bigla", "dinaga", or "nakalimot". Yan kadalasan yun. 

Ang goal ay para maging aware kung anu-ano ang mga demons natin at malaman kung alin ang malala na. Dapat gawan mo ng paraan para mapuksa siya. Maghanap ka ng mga behavior mo na sa tingin mo ay highly likely gagawin mo pero dini-deny mo lang. 

"Hindi! nagka-cut ako talaga 'pag cut loss point na!" --- Pero kapag nandun na, hindi naman pala. 

"Nagjo-journal ako Kap! Lagi!" --- Pero kapag tinignan mo yung notes, wala naman pala.

"Boss! 10-16 hours ako mag-aral!" --- Pero puro Facebook lang naman pala ginagawa.

Ito yung mga actions natin na nagbo-block satin from becoming a better trader. Mga demonyo 'to talaga! List them as one of your inner demons. 


Everytime na magko-commit ka ng "sin", lalagayan mo ng mark yung box. Ibig sabihin nun, natalo ka ng demon mo. Kapag natalo ka ng 5 beses, stop trade ka muna. Mag reflect ka or mag consult sa mentor. 

Demons are killed after taking a trade 10 times (your preference) in a row without committing a specific sin. Once killed, remove it from your demon finder board and look for another demon to kill. 

Remember: Being aware and conscious of your inner demons will greatly help you develop your good habits. 

Ikaw, whats your inner demon? You better find it and kill it. 

Tuesday, August 7, 2018

More Than Just Money

Siguradong maraming traders ang naka sakay sa ATN Holdings simula nung na-break ang all time high resistance nya noong July 30, 2018. Ako hindi! Sa sobrang beginner ko, nag freeze ako nung nakita ko yun. What the hell bakit di ako pumasok dun?



Kinonvince ko nalang sarili ko na okay lang yan, honestly hindi ko talaga napag-planuhan ang ATN. No plan no trade diba? Naalala ko yung sinabi ni Kap na: 

"It is much better to be OUT of a trade wishing you were in. Than IN a trade wishing you were out." 

Pero hindi ko pinabayaan 'tong stock na to. Nag-antay ako ng opportunity na makapasok. Sa beginner kong knowledge, wala akong nakitang chance sa daily chart.

Lakas loob akong pumasok sa 3MIN chart. Alam ko deliks para sa beginner na kagaya ko. Pero with proper planning at risk management (and quick hands) based sa tinuro samin, I should be okay. 

I may not have ridden the entire 65%+ all time high play of ATN, but what I gained was more than money. I gained experience and learnings. I was able to get a taste of how trend following and buy on break out feels like. Ito pala yung tinuro ng mga mentors namin noon! Hindi man sobrang laki ng gains ko, pero madadala ko 'tong "feels" na to sa mga susunod na trades ko. 

And that for me, has more value than anything else. The money I gained can be easily spent, but the learnings I acquired, can be used in future. 

Friday, August 3, 2018

Shake It Off!

Lahat tayo may mga badtrip moments sa kanya kanya nating mga trabaho. Para sa mga masisipag na jeepney drivers, badtrip kapag na-flatan ka ng gulong habang nasa byahe. Para sa mga kaibigan nating mga construction workers, badtrip kapag masakit ang katawan. 

Ito yung mga hindi maiiwasan kasi parte 'to ng trabaho natin. 

Akala ng iba, walang badtrip moments sa pagiging call center agent. May iba iniisip na naka upo lang kami sa harap ng computer at salita ng salita habang nasa air-conditioned na opisina. Totoo naman yan! Pero ang isa pang totoo ay kasing hirap din ng trabaho namin ang iba. Bukod sa stress, toxic, at pressure, ang isa pa sa mga badtrip moments ay yung may makausap kang galit na customer. "Irate" caller ang tawag namin.

Pagkatapos mo sila kausapin, parang sinalo mo lahat ng galit at negative vibes ng buong mundo. Ang bigat sa pakiramdam. Pagod ka na kahit hindi pa tapos shift mo. Manginginig ka sa inis. Bad trip diba?

Pero as a professional,  kelangan i-let go mo lahat ng hinakot mong malas na energy para masagot mo yung next call mo ng maayos. Pero paano? May iba nag-c-cr muna for break. Merong mag yo-yosi muna. O kaya magpapa-hangin sa labas. Yung iba ikini-kwento sa officemate para lang ma-release mo yung stress.

Syempre kelangan bumalik ka sa NEUTRAL state mo. Sounds familiar sa stock trading right?

Bilang stock market trader, parte ng ginagawa natin ang mga losses. Isa sa mga badtrip moments ay kapag may big loss ka. Nakakapang-hina diba? Nakaka-walang gana. Parang feeling mo galit sayo ang mundo. Ngunit kagaya ng kung paano natin pahalagahan ang ating mga trabaho, dapat ganoon din ang pagpapahalaga natin sa stock market trading.

Kapag may big loss ka, shaket it off! I-release mo yung emotions, yung inis, yung galit, yung malas. Ang paraan ko para mawala yung tension after a big loss ay naglalaro computer games. Nakaka-wala ng stress para sakin. Para lang mailipat ko yung attention ko sa ibang bagay na mapag-kukuhaan ko ulit ng good vibes. 


Hindi mo naman syempre hahayaang maging loss ulit yung mga susunod na trades mo dahil lang sa previous bad trade mo diba? Kagaya ng hindi ko hinayaang maapektuhan yung mga next calls ko dahil lang may nakaka-asar akong nakausap kanina. Bumalik ako sa nuetral state ko bago ako tumanggap ng next call. 

Dahil kapag nagpadala ka sa emotions mo, maubos ang port mo. Ang goal mo dapat ay sa next trade mo, nasa NEUTRAL state ka na.

Alam kong mahirap, pero kelangan i-approach mo siya professionally. Isipin mo na ang stock market trading ay trabaho. Trading is a profession. Ika nga ni Kap at Mesino, it's your own business, so you have to take it seriously. 

Ikaw, how do you shake off your badtrip moments?

I Give Up Giving Up

Today marks ANOTHER "first step" in bettering my condition.  For the 4th time in 7 years, sinalang nanaman ako sa M...