Friday, July 27, 2018

Mental Block

"You are hired! You will start your training this coming Monday."

Lahat ng call center agents, or sa kahit anong customer service oriented na field of work, dumaan sa training bago sumabak sa operations. Common na tawag dun ay "Training before hitting the production floor".

Normally, 2 weeks muna na communication training yan. Dito narin usually napagtatanto kung para sayo nga talaga ang call center kasi kung hindi ka makapasa dito, ligwak ka na. Possible na hindi mo na-meet yung standards na hinahanap nila pag dating sa communication skills mo.

Afterwards, 2-3 months na intensive training ang kasunod para pag-aralan ninyo yung actual product or service na isu-support nyo. May mga naliligwak parin dito sa totoo lang. Usually yung mga hindi talaga ma-gets yung product or baka iba lang talaga yung field na para sakanila.

Once nasa productions ka na, at magsisimula na yung actual na "trabaho" mo, aminin mo, yung lahat ng tinuro noong buong 3 months, lahat ba tumatak sayo agad agad? Siyempre hindi.

Ganun din sa stock trading. Hindi pare-pareho ang learning curve ng tao. May mga madaling maka-gets, meron slow learners. Madalas yung nga-nga at tanga moments. Na-me-mental block kumbaga.


After ng Project Seed course namin, madami akong nga-nga moments. Yung tipong hindi ko alam kung saan magsisimula. Nakaka overwhelm lahat ng information na pumasok sakin. Ganitong ganito ako nung bago palang ako sa call center industry.

But what kept me going? I practiced, I stayed focused, I didn't give up! 

Note to self: Ulitin mo lang ng ulitin yung tamang routine hanggang maging habit. Hanggang maging second nature mo na yung ginagawa mo. Study your previous lessons, i-apply mo sa actual trading mo. Ask questions sa mentors, 'wag mahihiya. 

Back test muna para mapag-aralan mo yung isang set up. Sunod naman ay mag paper trade muna para ma-test mo yung pinag-aralan mo. Next, mag small alloc trades ka para ma-exp mo kung totohanan na. Lastly, ang goal mo ay magkaron na ng conviction trades.

Sobrang toxic ang trabaho namin sa call center industry. May mga maagang narealise na ayaw nila nito or gusto lang nilang sumuko. Sa observation ko sa mga taong pumapasok sa call center industry, isa lang ang trait nila kung bakit sila tumatagal: Focused.

Kung gusto mo 'to, pag aaralan mo kung paano ka tatagal. Ganun din dapat sa stock market trading.

Saturday, July 21, 2018

Chasing Time

7:03am
Gising time. Time check, apat na oras lang pala akong nakatulog. May 30 mins nalang ako para maghanda sa isa na namang araw ng trabaho. 10 mins para maligo, 5 mins para mag brush, at 15 mins para mag bihis.


Traffic nanaman. Bakit kaya hindi maubos-ubos mga sasakyan sa kalsada? Maraming commuters, sobrang usok, mainit na araw (minsan naman malakas na ulan). Siguradong pahirapan nanaman 'to sa byahe.

10:40am
Time check, 20 mins nalang bago ako mag log-in. Nakita ko kung gaano kataas yung building namin. Ang taas pa ng aakyatin ko, 18 floors. Dapat nandun na ako in 10 mins, well good luck sakin! Sana ako nalang si Spiderman no? para mabilis lang umakyat. Mag boo-boost web swing lang ako paakyat tapos sigurado nandun na ko in 20 seconds.

11:00am
Logged in. Bakit kung kelan ka naka log-in, ang bagal ng oras? Yung tipong nagko-calls ka ng pagka-haba haba, pero pag tingin mo sa orasan, 15 mins palang pala ang nakaka lipas. Wow magic! Isa pang malaking misteryo yung kapag nag-logout ka na ay sobrang bilis naman ng oras. Dalawang oras na ang nakalipas! Surprise!

11:20pm
Back to bed. Meron pala akong 6 na oras para matulog. Sapat na yun para makapag-pahinga ng maayos.


Lahat ng 'to, araw araw nangyayari sa loob ng 10 taon. Sampu. Ten. Diyes.


Nagsimula akong magtrabaho sa call center pagkatapos ko grumaduate ng 2 year diploma course sa college. Naisip ko na ito na yung pinaka madaling paraan para kumita ng pera. Nung mga panahon na 'yon, yung mga high school batchmates ko dati, nag-aaral pa pero ako sumasahod at kumikita na. Sarap! Nag aantay nalang ako ng sweldo.


Proud na proud ako noon sa sarili ko kasi syempre ang independent ko na. Hindi na ko humihingi ng pera sa mga magulang ko. Ako pa nga yung nagbibigay eh. Akala ko ganito lang kadali ang buhay, trabaho lang tapos antay lang ng sahod. Di ko alam na maling mali pala ako.

Walang mali sa call center industry. Sa totoo lang, mas maraming pa ngang tama kumpara sa mali. Marami akong natutunan na maganda dito (pati narin hindi maganda, syempre). Malaki ang utang na loob ko sa trabahong 'to kasi hindi ako magiging kung sino ako kung hindi dahil dito. Sobrang laki ng naitulong sakin at sa pamilya ko. Hindi ko maitatanggi na marami ding opportunity na mag grow sa linyang to, nasa tao lang kung gusto nyang i-grab.

Pero hindi ko nakikita sarili ko sa direksyon na yun. Tanong ko sa sarili ko: Bakit pinatagal ko pa ng sampung taon kung hindi ko rin naman pala gusto tong ginagawa ko? Isang sagot lang ang sigurado akong swak na swak -- Takot akong lumabas sa comfort zone ko.

Takot ako kasi wala naman akong ibang alam na trabaho bukod sa pagiging call center agent. Tingin ko dito na ako forever. Tingin ko kinain na ko ng sistema.


Tama na. Sawa na ko sa routine na to. Matanda na ko para gawin pa to ng pa-ulit ulit.  Pagod na ko sa pag-hahabol ng oras.  Kelangan mabago 'tong sitwasyon na to.


Bibili ako ng mga gusto kong damit. Magta-travel ako at lahat ng tourist spot sa Pinas na sa Facebook ko lang nakikita ay pupuntahan ko. Bibili ako ng Playstation 4. Magkakaron ako ng family van para sa bubuuin kong pamilya. Makapag simula nang magbayad para sa dream house namin. Magkakaroon ng insurance. Basta lahat ng dapat meron ako sa stage ng buhay 'kong to, dapat magkaron ako. 

Gusto kong ako ang nauuna sa kalaban kong oras. Yung tipong, masyado na akong lamang at hindi na makahabol ang oras sa akin.



Alam kong nasa tamang direksyon ako. Para akong naglalakad sa tahimik na daanan sa gitna ng mga puno. Presko sa pakiramdam, payapa sa isipan. Walang ibang iniisip kundi ang mga pangarap ko sa buhay na gusto kong tuparin. Siguradong maraming hirap na pagdadanan. Pero at least, sigurado akong may pupuntahan akong magandang direksyon kumpara dati. Buong tapang na akong lalabas sa comfort zone ko. 

Welcome sa blog ko. Iku-kwento ko lahat ng pinagdadaanan ko sa landas na tinatahak ko at sana merong maka-relate. Ito ang journey ng isang call center agent na gustong maging full time stock market trader. Ako nga pala si Richter Drake.

I Give Up Giving Up

Today marks ANOTHER "first step" in bettering my condition.  For the 4th time in 7 years, sinalang nanaman ako sa M...